Feeds:
Posts
Comments

Hiling Sabay Daing

Malapit na akong ikasal sa taong mahal ko ng lubos. Hindi ko nga alam kung paano pa ang mabuhay kapag iniwan na niya ako. Madalas naiisip ko na sana huwag muna kami lumagay sa tahimik kasi naman parang hindi pa ako handa na matawag na maybahay. Marami akong agam agam na hindi ko maipaliwanag.

1.  Handa na ba ako sa responsibilidad? Hindi biro ang landas na tatahakin namin. Ako man sa sarili ko ay natatakot sa maaaring magbago sa buhay ko. Kayanin ko kayang maging asawa at ina? Ano daw… kailangan ko pa ang mag asikaso ng bahay at asawa? Sanay lang akong umasa sa nanay ko na siyang nag aasikaso sa akin… kapag ako na ang nasa lagay niya… paano na?

2.  Ako na ba talaga ang nais niyang makasama sa habambuhay? Nakakatakot isipin na may mga pamilyang nasisira ng hindi pagkakaunawaan at sa kalaunan ay ang paghihiwalay ng mga magulang. Sa bawat lingon at ngiti ng kasintahan ko, nangangamba ako na ito ay nakalaan para sa iba at hindi para sa akin.

3.  Ano ang mas mahalaga: asawa o anak? Kung ako ang masusunod, ayokong mag asawa pero gusto ng sarili kong anak na galing sa taong mahal ko. Kaya lang papaano naman ang baby ko kung lalaking walang ama diba?

4.  Hiling sa bawat daing.  Alam ko at nararamdaman ko na hindi biro ang papasukin kong buhay. Natatakot man ay pikit mata kong haharapin ang bawat hamon. Siguro naman sapat na ang pag ibig para buhayin ang pag asa ko sa isang masayang buhay may asawa.

Marami akong agam agam. Papaano kung mag iba ang pagkakakilanlan ko sa kanya matapos ang aming kasal kung saan ako ay nakatali na sa kanya.  Kapag nagloko siya at mawala sa tamang landas papaano ko haharapin ang mga pangyayari na babago sa buhay namin?

Minsan naiisip ko na sana hindi ganoon kabilis ang takbo ng panahon…. baka sakaling maihanda pa ako sa tatahakin kong landas!

Bratinelang Bastos

Batong maituturing ang puso ko sa mga pagkakataon na labis akong nagdaramdam sa mga hindi mabuting pakikitungo sa akin ng isang tao lalo pa at isa siya sa mga mahalagang bahagi ng buhay at pagkatao ko.

Sabi nga nila pag nasaktan ka: “Don’t get mad; get even.”

Hindi man siguro tama na maghiganti, pero yun lang yung madaling paraan para maiparamdam sa kanya kung gaano ako nagdamdam sa hindi niya pagtupad sa isang pangako.

Simple lang naman ang hiling ko sa buhay… tumupad ka lang sa salitang binitawan!

Matamlay ang mundo ko ngayon. Pag nakikita ko siya, parang gusto kong tanungin… bakit mo ako pinaasa, pero kaya ko ba?

Sinasadya ko ang maging manhid at walang pakialam dahil gusto ko makita, maramdaman at maranasan niya yung pasan ng puso ko.

Umiyak na ako… pero sa likod niya. Ayokong makita pa niya ang luha na lalong nagpapa totoo na may kahinaan din ako.

Pero hanggang kelan ko kayang magtiis at mag matigas sa taong mahal ko ng lubos na ang tanging kasalanan at hindi makatupad sa pangakong binitawan.

Smells Like Christmas

I am seated here wondering what Christmas would be like this year.  I have been good all year and i hope Santa Claus or at least my Fairy Godmother would recognize that.

The past weeks have been arousing a familiar yet uncomfortable holiday cheer in my heart. Surely everyone is going to celebrate as evidenced by the mellow christmas songs that has been filling the air lately.

This Christmas is going to be different. I will be spending the holiday alone perhaps out of town where no one can reach me. I will leave my celphone at home and will let my emails wait until the holiday is over. Just thinking about the fun i’d get makes me want to pull the days and let the holiday season officially begin.

I’d be free to just be me and for just a few days think of no one else but myself.  This may sound selfish but for someone as overworked as i am… a nice vacation is the best treat i could afford!